Wednesday, March 27, 2013

SEMANA SANTA

Ano nga ba ang semana santa?
Panahon para sa bakasyon?
Panahon para malaman ang kwento ng ating kaligtasan sa pamamagitan ng pagkamatay at pagka buhay mag muli ni kristo?
Panahon ng pagdaradal?
Panahong tulog ang diyos?
Tunay na may iba't iba tayong interpretasyon para sa naturang selebrasyon. Pero anu nga ba ang dahilan ng mga ito? bakit natin ginugunita ito at para saan ang mga tradisyong ginagawa natin sa loob nito?
Well di ko din masabi kung ano nga ba ang tunay na dahilan, pero saking palagay ay ito ang panahon para papasukin ang panginoon sa puso natin, pagsisihan ang mga kasalanan at para matagpuan ang biyaya ng panginoon.

Ito ay official na nagsisimula sa pagdidiwang ng Palm Sunday, o palaspas, ito ay sumisimbolo sa isng mahalagang tagpo sa buhay ni Kristo Jesus sa biblya. Ito ay ang matagumpay na pag pasok nya sa lungsod ng Jerusalem kung saan ang mga tao'y buoong galak siyang pinapurihan at tinaggap. Pero panahong kasalukuyan ano nga ba ang kahulugan nito, wala naman si Kristong nakasakay sa bisiro, wala din naman tayo sa nasabing lungsod anong saysay ng mga palaspas na ating ginagamit para dito? pang taboy ng dyablo? pampaswerte?. Saking palagay ang ibig satin iparating ng pagdiriwang ito ay ang pagtanggap natin sa panginoon sating mga sarili, ang hayaan syang pumasok satin mga puso at pagharian ang ating buhay.

Sa mga sumusunod na araw naman ay ginugunita na natin ang pagpapakasakit ni Kristo, ang pag lapastangan sa kanya, ang pag talikod sa kanya ng mga taong minamahal nya at ang pagpapako't pag kamatay nya.
naun naman ang mga ito ba ay ginagawa natin para paulit ulit na patayin si Jesus? oh ang aralin kung paano naisakatuparan ang kanyang layunin?. Palagay ko ito ay ating ginugunita para matutunan natin ang pagkakasala ng tao sa diyos, ang pag kakanulo natin sa kanya, ang pag hahapas, pangunugya at pagpapahirap ng mga judio sa kanya na sa bawat kasalanang ating ginagawa at paulit paulit natin pinadarama sa kanya.
Kaya't dapat ilaan natin ang mga araw na ito upang pagsisihan ang ating mga kasalanan sa kanya at tuluyang talikdan ang mga ito upang di na natin magawa pang saktan ang damdamin ng diyos na simula pa sa simula ay syang tanging nagmamahal sa atin ng wagas. Walang kasalanan ang di magagawang patawarin ng diyos tulad na lamang ng talinghaga ng Alibughang anak, kung saan buong pagmamahal na niyakap ng ama ang kanyang nagkasalang anak.

Nagtatapos naman ito sa Easter Sunday o linggo ng pagkabuhay ang muling pag kabuhay ni Kristo matapos ang tatlong araw na pagkakahimlay, ang kaganapan ng pangakong kaligtasan ng panginoon. Dito, kung nagawa mo na syang tanggapin sa puso mo bilang diyos at tagapagligtas mo at kung napagsisihan mo na at tinalikdan ang mga kasalanan mo matatamo ang kaligtasan at ang biyaya ng pagibig ng diyos.

Nakakalungkot man isipin na kadalasan magawa man natin ito, sa pagkakatapos naman ng mahal na araw ay tila bagang nakakalimot muli tayo sating tipan sa panginoon at nagbabalik sa dating buhay na malayo sa diyos at puno nga kasalanan.

Ikaw? kamusta naman ang semana santa mo?

Tuesday, March 26, 2013

Lumang paintbrush

Gusto ko lang ishare tong luma, pero magandang video na to, ito kasi ung pinapakita kagabi samen dito sa'ming simbahan. Di kagandahan ang quality pero nakakaantig namang talaga.
At naalala ko ang darating na Outreach ng PBO at pati na din ang all time favorite kong biblical parable, ang prodigal son.Sana makapulot kayo ng aral sa kwentong to.

Ito ay likha ng yumaong pintor na si Joselito "Joey" Velasco at ito ay ang kwento sa likod ng obra nyang the prodigal son na binigyan niya ng kakaibang interpretation




Narito pa ang ilang sikat na obra ng naturang batikang pintor. Mga likhang sining na may kakaibang tema at tunay na may saysay.





Ang panahon ng Semana Santa ay di panahon para mag saya, di din naman panahon para muling patayin si cristo, ito ay isang pagtawag sa'tin para magbalik sa kanya, ang taong nagpakasakit at namatay para sating kaligtasan.
God bless!

Monday, March 25, 2013

TwisteD-ikatalong yugto


Nakagayak na si Anna para pumasok sa skwela nang bigla nyang marinig ang kanyang nagsisisigaw sa galit.
"Napakayayabang talaga ng pamilyang yan! kala mo mga hari kinakanya ang lahat"
"Honey bakit anu problema" Tanong ng ina ni Anna sa kanyang habang inaabutan ng sang bason tubig ang ama.
"Pinutol na nila ung mga tanim ko!"
"At sino naman nag bigay ng karapatan sa kanilang gawin yon?" tanong ni Anna
"Nabli na kasi nila yang bakanteng lote kay misis Calderon, kung alam ko lang sinasadya nila yan!"
"Wala na tayong magagawa sa pamilyang yan"
Ang bahay nina Anna ay kaharap lamang ng bahay nina Christian at dahil dito ang  pagaaway sa pagitan nag kanikanilang pamilya at di maiiwasan. Solong anak si Anna sa isang pangkaraniwang pamilya, ang ama nyang si mang Roland mayari ng isnag pwesto sa palengke samantalang ang ina nyang si Tanya ay nasa bahay lamang. Samantala, sina Christian naman ay nabibilang sa mga mayayaman, ang ama nyang si Enrique ay isang bank manager at ang ina nitong si Della ay isa naman real state agent. May roon din nakakabatang kapatid si Christian na nagngangalang Clarisse.
And sanhi ng pagkakaaway ng pamilya nila ay tuluyan nang nakalimutan dahil sa paulit ulit na gantihan nila sa isat isa, pero ang mga pamilya naman nila'y minsan nang naging malapit.
Sumakay ng bus si Anna ngunit wala nang upuang bakante ng mga oras na yun maliban sa upuan sa tabi ni Christian. Kung mag aantay pa sya ng ibang bus ay malelate na sya kung kaya't umupo na lamang sya roon.
"pamilya ng mga manloloko!" bulong ni Anna
"mga walang modo!" sagot naman ng binata
"sakim!"
"Dahil kaya namin! di tulad ng pamilya nyong mahirap pa sa daga"
"mas gugustuhin naman naming maging mahirap kaysa maging kasin sama nyo"
"Alam mo! pwede bang wag na lang tayop magusap?!"
Ilang minuto pa ang lumipas at ay isang matandang babae ang bumaba, at doon lumipat si Anna ng upuan. Di napansin ni Anna ang isang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi nya na kinalaunan ay dumantay sa kanyang balikat. Si Christian ay tawang tawa na makita yon.
Kinahapunan, nagtungo na si Christian sa gym ng paaralan upang tumupad sa usapan nila ni Troy, doon nya nakita tong suot ang jersey at pawisan, at sinabi nya sa sarili "Ang hot nya!". Nakita sya ni Troy at pinakilala siya sa coach, at pinahanga naman sila ni Christian.
Samantala si Anna at Trish naman ay nasa kantina para magmerienda.
"So Anna, May crush ka na ba sa mga kaclase natin?"
"Ako? ee w-wala pa bakit ikaw ba?"
"Well may lalaki dun sa likod na mukang interisante"
"Sino so Troy?"
"hindi no, tapos na ko sa kanya, un katabi nya ung sinasabi ko"
"Si Christian, haha di mo kilala yun gaya ko! teka anong ibigsabihin mo sa tapos?"
"Kilala mo sya?"
"hmm oo kapit bahay ko yun nuon pa ee"
"Pakilala mo naman ako sige na!" hinanawakan ni Trish ng mahigpit ang kamay ni Anna at nagpacute.
Pamaya-maya pa ay pumasok sa kantina ang buong varsity team kasama si Christian.
"Oh my gosh andyan sya!"
At walang anu-ano'y kumaway si Anna kay Christian at sumigaw "ICHAN!", kahit nakangiti ay alam nyang mapapahamak sya sa ginawa niya.
"Annie?" nagtatakang sagot ni Christian
"Gusto ko lang ipakilala sayo tong si Trish"
"Kinagagalak kitang makilala Christian" "Ganun din naman ako Trish"
"ehem, di mo ba ko ipapakilala sa kaibigan mo Christian?"
"Ayy nga pla Anna este Annie, ito ng pala si Troy, ace player namen"
"kamusta miss gorgeous"
"Okay naman ako dre" bruskong sagot ni Anna
"Tama na ang panglalandi mo Troy mya pupuntahan pa kami"
at nag hiwalay na nga sila.
"May gusto sayo ung si Trish parekoy"
"huh? panu mo naman nasabi"
"kilala ko hilatcha ng babae yan, nga pala, sino yung si Anna?"
"Ahh wala kapit bahay namin"
"kayo ba?"
"Hindi no bakit?"
"nice, trip ko sya dre pwede mo ba ko ilakad sa kanya"
"sige ba" pero sa loob loob ni Christian ee nagseselos sya.
Nagkasabay muli sa bus sina Anna at Christian, nilapitan ni Christian si Anna at sinabi,"Magusap tayo mamaya dun sa lumang bahay" sumangayon naman ang dalaga.
Ang naturang lumang bahay ay an naging laruan nilang dalawa nuong mga bata pa lamang sila
"At anu naman ibig sabihin ng paIchan ichan mo kanina aber?"
"wala lang sinabe ni Trish ee napilitan lang ako wag kang feeling!"
"Gusto mo sya nu, landi mo din ee"
"Oh bakit may problema ka ba dun? ikaw nga alam ko naman trip mo ung Troy na un ee"
"ee kaw kaya gusto nya"
"nyek para naman pwede! kakasuka ahh"
"alam mo pwede nating magamit to ee"
"anong ibig mo sabihin bakla?
"magkunyari tayong tinutulungan sila pero and totoo ee papaibigin natin sila satin"
"Aba may utak ka din pala payag ako dyan"
"promise yan ahh galingan natin"
"oo ba. pero di ibig sabihin nito makaibigan na tayo ahh"
"Naman no!"

Thursday, March 14, 2013

Twisted (Yugto I- II)

Unang Yugto

      Unang linggo ng hunyo, at simula na ng klase sa lahat ng paaralan, marami ang nagbabalik sa kanikanilang paaralan at madame din ang papasok sa panibagong yugto ng kanilang buhay mag-aaral. Isa sa mga bagong studyante na papasok sa kolehiyo ay si Christian, matipuno, matangkad at magandang lalaki, kung titignan ay  isang tunay na adonis at paniguradong maraming kababaihan ang sa kanya'y mabibighani. Ngunit si Christian ay hindi ang lalaking pinapangarap ng mga kababaihan, dahil sa likod ng matikas na tindig at barakong pagkilos siya ay isang puso ng babae, at dahilan sa mga masalimuot na karanasan sa nakalipas ay itinago nyang maigi ang kanyang pagkabakla.
      Isa rin sa mga papasok sa kolehiyo sa taong ito ay ang isang babaeng nagngangalang Anna, maganda ang pangangatawan, mala porselana ang kutis at maamo ang mukha, isang babaeng katangitanging tunay. Ngunit sa kabila ng kagandahang taglay, katulad ni Christian, sya ay may tinatagong lihim. Si Anna ay isang tomboy.
       Tunay na magkabaligtad ang mga mundo nilang dalawa, ngunit ang mga mundong ito ay di naman talagang malayo sa isa't isa dahil simulat sapul ay magkakilala na silang dalawa, sa katunayan ay lumaki sila sa iisang lugar. Ang mga pamilya nila Christian at Anna ay masasabing mortal na magkaaway, ang mga magulang nila ay madalas na mag bangayan kung kaya't maging sila ay napasali na sa hidwaan.
       Silang dalawa ngayon ay magaaral sa parehong unibersidad at di sila masayang malaman ito sapagkat alam ng bawat isa ang kanilang sikreto at ang pagkakalapit nila ay nangangahulugang pagkalapit nila sa pagkakabisto. Nag simula na ang buhay kolehiyo nila,maging masaya kaya oh magiging masalimuot ito sa kamay ng isa't isa

Ikalawang Yugto 

      Si Christian ang pinaka maagang nakarating sa klase at umupo sya sa pinaka dulong upuan kung saan kita nyang lahat ang mga pumapasok sa silid nila. Una rito ay dalawang babaeng nag kwekwentuhan at nagtatawanan, kasunod naman nila au ang isang lalaking nerd may makapal na salamin. Maya maya pa'y isang magandang babae ang pumasok, siya ay si Trish, balingkinitan ang pangangatawan, hanggang braso ang buhok at mala anghel ang mukha. Si Trish ay ang high school cheerleader at syang kinahuhumalingan ng lahat ng kalalakihan sa naturang unibersidad. 
     Di nagtagal ay dumating na din si Anna sa silid at pagkakita pa lamang neto kay Trish ay may kakaibang kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan. Umupo siya sa tabi ni Trish, at kahit gaano nya iwasan ang tumingin sa kanya ay di niya mapigilan ang sarili dahil sa ganda ng mga ngiti nito sa labi.
     Napuno na ang silid, ang lahat ng upuan ay okipado na maliban na lamang sa upuan sa tabi ni Christian. Naroroon na din ang kanilang guro na nagaayos ng kanyang mga gamit sa mesa. Maya maya ay may isang lalaking tumatakbo sa paseo at pumasok sa kanilang sild na hingal na hingal. Ang naturang lalaki ay si Troy, Matipuno, at gwapo ito, at siya ay star player ng unibersidad at tinaguriang camous heart throb. Umupo siya sa upuang katabi ni Christian na sa mga sandaling iyon ay nagaayos na buhok at nakatingin sa isang maliit na salamin.
" Masyado na ba kong late? may ginawa na ba kayo?" tanong ni Troy.
"aaa. w..wala pa naman" Mautal utal na sagot ni Christian
Ngumiti naman ang binata at sinabi "hay, buti naman, akala ko ay mapapagalitan agad ako sa unang araw ng klase ee"
Walang naisagot si Christian kundi ngiti din lamang, ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay namumula ang kanyang mukha dahilan sa kilig na nararamadaman.
"Uminom ka nu? namumula yang mukha mo ee"
Bago pa ma makasagot si Christian sa sinabe ni Troy ayy nagsimula na ang klase.

    Isang oras ang tumagal at natapos na ang klase. Si Trish ay tumayo sa kanyang upuan at aksidenteng nalaglag ang kanyang cellphone na bumagsak papunta sa direksyon ni Anna. Kinuha namn ni Anna ang naturang cellphone at iniabot kay Trish.
"Salamat, miss?"
"Anna, ikaw si Trish diba?"
"oo, pano mo nalaman?"
"Sino ba naman di makakilala sa crush ng bayan diba?"
"haha grabe ka naman, anyway anu next class mo?"
"Humanities bakit?"
"Nice pareho tayo, tara sabay na tayong pumunta dun"
       Hinawakan ni Trish ang kamay ni Anna at hinatak sya palabas ng silid. Samanatala si Christian naman ay akma ng lalabas sa silid nang biglang may tumapik sa kanya. Si Troy.
"Dre, anu pangalan mo?"
"Christain, bakit?"
"Troy nga pala,hmm anu height mo?"
"hmm ang alam ko ee 5'11"
"Naglalaro ka ba ng basket ball?"
"Oo point guard ako ng high school team namen e, Bakit mo naman naitanong?"
"ayun! kaylangan namen ng mga bagong myembro ee baka gusto mo magtry out bukas ng hapon?"
"Sige ba"
       Inakbayan ni Troy si Christian at sinabi "Geh tol kita na lang tayo sa court ah" at saka tumungo papalabas ng silid. Sa mga oras na yaon ay may naramdaman nang kakaiba si Christian para sa binata.
Bago lumabas ng tuluyan ay sumilip uli ito at tumingin kay Christian. "Christian, kung pwede wag ka munang uminom bago ung try out ahh ng di ka mamula!"

   Ala singko na ng hapon at papauwi na sila Anna at Christian at iisang bus lang ang kanilang nasakyan. Nakita nila ang isa't isa ngunit di nagpansinan. Naging masaya ang araw na yaon sa kanila kung kaya't ayaw nila itong masira ng dahil sa isa.

____________________________________________________________

Dahil sa sinabe ni Ishmael sa komento nya sa English version, na dapat ay my mga pictures naisipan kong magcast ng mga artista para sa mga role dito hahaha
ERICH GONZALES as ANNA
well trip ko ung boyish acting nya haha at crush ko sya un na

ENCHONG DEE as CHRSTIAN
hmm, since rumor has it na! pangatawanan na nya haha at maganda team up nila ni Erich di ba?

VALEEN MONTENEGRO as TRISH
maganda sya period hahaha
XIAN LIM as TROY
Manly enough para sa character ni Troy