Wednesday, May 22, 2013

Mejo malapit na!

Konting tulak na lang, papasok na din! sana tumuloy tuloy na! haha

Saturday, May 18, 2013

Thursday, May 16, 2013

Nang si MEcoy ayy nagalit kay meCOY

well, feel kong need ko ata mag update haha, hmm anu nga ba,
kasi lately ee ngahahanap na ko ng work,
At ang first try ko is for office staff na nakita ko sa jobstreet  Acquire Personnel Services Training ang name nung agency(not actually an agency tho) pero that day onhold yung positions for office staffs so nag stay pa din ako and checked for other options, mayroon para sa data encoder, pero mejo unpleasing ung rate(chusy diba) tapos may isa pa which is for CSR, and ung interviewer is nandon na that day so sabi ko try ko na din baka makalusot.
Anyway ang role ng Acquire ee sya ung mag susuot sayo ng brief or in other words nag bribrief sa applicants on what to do on an interview, at infairness dame ko natutunan sa lesson nila sir, pero eto na nga biglang may catch, ang required pala is at least 2 years in college! napa oh oh (mala give me reason) ako haha at ang matindi pa ee, tinanung isa isa anu course ang tinake sa college haha pag dating sakin sabi ko "highschool grad lang po ako", sabe ko na lang encoder po ang inaapplyan ko tas biglang yuko ako dahil super nanliit ako:/ self pity nanaman. Pansin ko din na naguilty si sir haha kasi tumumigil na sya mag tanung saka all throughout naka tingin na sakin haha at kinausap din ako na try ko din daw mg CSR kasi ung kita mo sa encoder ee pangbayad lang daw ng ilaw ung haha. Ito na nga diba ang haba na, to make this short di ako nakapaginterview dahil di daw talaga pwede ung hs grad, but then ni refer nila ko sa Teleperformance nibigya na nila ko ng referral slip.

The next day, which is today, ng try ako! aga aga ko nga 8 pa lang nasa MOA na ko kasi sabi nung friend ko dapat daw maaga ee ang kaso 10 pa so ayun nga nga.com ako for 2 hours, nung nakapasok na ko nanliit nanaman ako kasi feeling ko di ako qualified at di ko alam kung kakayanin ko. 11:30 ung online/typing test ko pero ginawa namen sya 1 pm na haha diba ang gara? at ang napaka sakit pa ee bagsak ako sa typing, 70% accuracy at 16 words/ second! nanibago kasi kasi ako sa keyboard ang tigas mxado at super kinakabahan ako! ni try ko nga sya dito samen same software ata saka same words naka 28wpm naman ako at 92% percent accuracy amp sana ganto ako kanina! un na lang nasabi ko!

ayun nga, bukas babalik ako para mg retake! pero super down talaga ko naun kasi sabi ko nga noon ee, the most painful disappointment you'll get, is being caused not by others but yourself actually mejo mangiyak ngiyak na ako sa bus kanina kasi sabe ko typing lang binagsak mo pa! panu ka pa sa actual interview? haha, pero ayun last chance ko bukas, di ko na yata kaya tumanggap ng rejection haha at pag wala pa din anu na? Mrt o lrt? haha syempre joke lang

ayan disappointed na din ba kayo like me kay mecoy?

Monday, May 13, 2013

Ms. Ideal = Ms. Imposible

Hmm, alam ko lahat tao ay may ideal na taong gustong makatuluyan, I mean yung isang taong mamahalin mo na may mga katangiang hinahanap mo. Swak sa swak kapag nese kenye ne eng lehet dibe?
Sa post na to since bored ako at since election naun bigla ko naisip na isulat ang ideal na characteristic ng babaeng trip ko! well not because di ako happy sa gf ko sadya lang wala kong magawa haha


Ang gusto ko sa babae ee may sense of humor, ung napapatawa ako kahit masama ang loob ko. Trip ko din ung appreciative na babae, ung bawat gagawin ko for her eeh maaapreciate nya. Matampuhin akong tao kaya want ko ung isang girl na alam ung takbo ng utak ko, ung mga bagay na ayaw ko ee di nya ginagawa at alam nya kung kelan ako galit at hindi, kasi madalas di ko pinapakita kung anu ba talaga haha. Want ko din ung selosa pero di OA at hindi TH ung tipong may makausap ka lang ee kala mo nang nakipagsex ka na sa iba haha. Want ko din ung mejo showy ng feelings, ung ipinadadama sakin na love nya ko. Maganda din ung suportive ung partner mo, ung lagi syang nandyan sa mga achievements and shortcomings mo. Maganda din ung may common thing kayong kinagigiliwan diba?. hmm anu pa ba? impromtu writtng lang to kaya wala na ko maisip haha
hmm sa physical features naman! hmm ang trip ko ee ung kawangis ni Avril! ganun na ganun ah! ng kahit sa sukat ng pilik mata ee katulad na katulad, haha!

Well, sa totoo lan sa tingin ko imposible mapunta sa isang tao ang lahat ng gusto mo pero ang bottomline is, I think, love see nothing, there's no standards or ideal when it comes to loving and sometimes, ironically, you'll find love on a person opposite to your likings.

basta ako? masaya naman ako ee

hmmm eto naman ang characteristic ko as a boyfriend, eto ee ung sa tingin ko lang ahh!
hmmm, maitin ang ulo,
seloso,
mejo sweet na close to corny!,
matampuhin,
makulit,
mahilig manangching haha,
loyal naman.
haha ung ibang ee ng gf ko na lang makakasagot nun!


haha o diba isang post na din ang nagawa ko? haha dpa lage akong bored ng lage ako my post haha

Tuesday, May 7, 2013

Banyo king!

haha so warning lang ang mga susunod na mababasa at rated SPG! (Sabaw Post Goooo, hahaha maipilit lang bakit ba)


Well minsan ba naiisip nyo, anung hiwaga meron ang banyo? haha kasi madameng kababalaghan ang nagaganap dito na di maipaliwanag ng syensya!
halika at tuklasin natin ang lihim!(insert matanglawin theme song haha)

Ang banyo daw di umano ay ang pinag mulan ng autotune! naisip daw eto ng nagimbento ng autotune habang siya ay napakanta habang naliligo sa banyo!. Syempre joke lang un haha, pero ayun di mo ba pansin na ang isang tao ee nagiging instant professional singer ala bruno mars at adele kapag nasa banyo?. Aminin mo, madalas mo din gawin to diba!

Eto pa may di pa nakukuntento! may ilang din naitala na nagiging bad boy of the dance floor pa kapag nasa banyo!. Pero teka sa pagkanta sure ako na kayo din ginagawa nyo pero ang sayaw? ako lang ba? haha ung kulang na lang ee pulang ilaw at careless whisper haha!

At eto nga ang pinakamatindi! pinaka nagbabagang hiwaga ng banyo. Isa kang instant porn star sa banyo! aminin mo man o hindi alam mo totoo to! not unless ee naliligo, umiihi at nag jejerbs ka nakapang winter collection!. Kung buhay lang ang banyo ee malamang pinagkakitaan na nya ang pag bebenta ng scandal sa bangketa! haha.

So  mga bata! madame ba kayong natuklasan sating leksyon sa araw na ito?! umayos ng sagot ahh!

At baka naiisip nyo kung bakit ko naisipan ipost to! kasi kanina lang sumakit ang kamay ko sa ginawa ko sa banyo! grabe kasi ee!

uyyy di yun ahh, ang bastos mo! haha well since kakarenovate lang ng cr namen may task na iniwan sami ung naggagawa at ayun na nga nagawa na namin ung first half bukas naman ung iba kakapagod kaya!

Friday, May 3, 2013

Ooops

Tagal nung inorder kong ABS! na traffic ata! hahaha, hm anu nga ba? siguro pag naging macho ako mas magiging Camwhore ako hahaha! sino ba aman ang di magigin proud kg me abs sya diba? eeh pinagpapaguran un!
anyway alam mo ung advantageCamwhore? ee yun ee ung alam mo panu dayain sarili mo sa pic! tulad nalang neto,

diba nag ka panga ako? hahaha trip ko makaroon ng makantong panga ee kasi sa tingin masculine ang dating pag ganun diba?

hmmm pero sa naun? ang ginagawa ko ee MAGPALAKI!...teka parang panget ng term na ung baguhin natin mapagpataba na lang! haha sa tingin ko ee nataba nanaman ako ee!
pero ayun, alam mo ung feeling na di mo alam kung itetake mo as compliment o hindi pag sinabihan kang mataba o mapayat ka? hahaha sana next time sabihin sakin ee ang macho or an hot mo! diba masarap pakinggan ung ganun hahaha

hahaha so alam mo na? nagsayang kalang ng oras sa pa bisita diba? haha wa kasi ako maisip na ipost, trip ko sana ipost ee advantages ng masterbation

since nakita ko ito sa fb na national masterbation month pero naisip ko ee naipost a n cyron un ee!hahaha

 oh saya bye bye muna!