Monday, May 13, 2013

Ms. Ideal = Ms. Imposible

Hmm, alam ko lahat tao ay may ideal na taong gustong makatuluyan, I mean yung isang taong mamahalin mo na may mga katangiang hinahanap mo. Swak sa swak kapag nese kenye ne eng lehet dibe?
Sa post na to since bored ako at since election naun bigla ko naisip na isulat ang ideal na characteristic ng babaeng trip ko! well not because di ako happy sa gf ko sadya lang wala kong magawa haha


Ang gusto ko sa babae ee may sense of humor, ung napapatawa ako kahit masama ang loob ko. Trip ko din ung appreciative na babae, ung bawat gagawin ko for her eeh maaapreciate nya. Matampuhin akong tao kaya want ko ung isang girl na alam ung takbo ng utak ko, ung mga bagay na ayaw ko ee di nya ginagawa at alam nya kung kelan ako galit at hindi, kasi madalas di ko pinapakita kung anu ba talaga haha. Want ko din ung selosa pero di OA at hindi TH ung tipong may makausap ka lang ee kala mo nang nakipagsex ka na sa iba haha. Want ko din ung mejo showy ng feelings, ung ipinadadama sakin na love nya ko. Maganda din ung suportive ung partner mo, ung lagi syang nandyan sa mga achievements and shortcomings mo. Maganda din ung may common thing kayong kinagigiliwan diba?. hmm anu pa ba? impromtu writtng lang to kaya wala na ko maisip haha
hmm sa physical features naman! hmm ang trip ko ee ung kawangis ni Avril! ganun na ganun ah! ng kahit sa sukat ng pilik mata ee katulad na katulad, haha!

Well, sa totoo lan sa tingin ko imposible mapunta sa isang tao ang lahat ng gusto mo pero ang bottomline is, I think, love see nothing, there's no standards or ideal when it comes to loving and sometimes, ironically, you'll find love on a person opposite to your likings.

basta ako? masaya naman ako ee

hmmm eto naman ang characteristic ko as a boyfriend, eto ee ung sa tingin ko lang ahh!
hmmm, maitin ang ulo,
seloso,
mejo sweet na close to corny!,
matampuhin,
makulit,
mahilig manangching haha,
loyal naman.
haha ung ibang ee ng gf ko na lang makakasagot nun!


haha o diba isang post na din ang nagawa ko? haha dpa lage akong bored ng lage ako my post haha

13 comments:

  1. naniniwala ako na ang mga standards na iseneset natin sa paghahanap ng isang kapareha ay nabubura sa oras na mapana ka ni kupido

    ReplyDelete
    Replies
    1. isang malaking check ka jan Kuya Bino :))

      Delete
  2. Don daw lumalabas ang creativity pag na bored ang tao:)

    ReplyDelete
  3. meron talaga tayong kanya kanyang gusto sa tao, pero minsan, dun tayo nageend up sa mga taong hindi natin inaakala. Kasi hindi naman natin malalaman kung ano talaga ang gusto natin hanggat hindi natin yun natatagpuan. Kaya siguro, bibihira lang ang nakakatuluyan ang dream girl/boy. Hehe. :)

    ReplyDelete
  4. gusto ko rin ung mejo showy ung feelings at kalog peo dapat nasa lugar. parang Toni G ang personality.share lang

    ReplyDelete
  5. malay mo naman matagpuan mo ang ganyang babae.

    ReplyDelete
  6. andami mo namang hinahanap... nasa akin naman ang lahat...hehehe

    ReplyDelete
  7. kuya mec wag mo na nga kasi akong idescribe masyado....lols

    ReplyDelete
  8. Balang araw magkakatagpo din kayo ng pinapangarap mong babae. Maghintay-hintay ka lang Mecoy, huwag masyadong magmadali...
    In the meantime, just enjoy blogging about 'her"! hehehe! ^◡^

    Fashionmoto Blog
    Bloglovin
    Facebook
    Fashiolista
    Google+
    Instagram
    LookBook
    Pinterest
    Tumblr
    Twitter

    ReplyDelete
  9. Hanap hanap lang pero sa bandang huli, iba pa rin ang makikita. Maaari pa ngang kabaligtaran. Basta pag-ibig ang nangibabaw, wala ng criteria criteria.

    ReplyDelete
  10. hindi imposible mahanap si Ms. Ideal, imposible dahil malaki ang porsyento slash posibilidad na hindi magiging kayo. pero katulad din ng sinabi ni pareng bino na ang mga standards na iseneset natin sa paghahanap ng isang kapareha ay mabubura sa oras na mapana ka ni kupido.

    ReplyDelete