Ano nga ba ang semana santa?
Panahon para sa bakasyon?
Panahon para malaman ang kwento ng ating kaligtasan sa pamamagitan ng pagkamatay at pagka buhay mag muli ni kristo?
Panahon ng pagdaradal?
Panahong tulog ang diyos?
Tunay na may iba't iba tayong interpretasyon para sa naturang selebrasyon. Pero anu nga ba ang dahilan ng mga ito? bakit natin ginugunita ito at para saan ang mga tradisyong ginagawa natin sa loob nito?
Well di ko din masabi kung ano nga ba ang tunay na dahilan, pero saking palagay ay ito ang panahon para papasukin ang panginoon sa puso natin, pagsisihan ang mga kasalanan at para matagpuan ang biyaya ng panginoon.
Ito ay official na nagsisimula sa pagdidiwang ng Palm Sunday, o palaspas, ito ay sumisimbolo sa isng mahalagang tagpo sa buhay ni Kristo Jesus sa biblya. Ito ay ang matagumpay na pag pasok nya sa lungsod ng Jerusalem kung saan ang mga tao'y buoong galak siyang pinapurihan at tinaggap. Pero panahong kasalukuyan ano nga ba ang kahulugan nito, wala naman si Kristong nakasakay sa bisiro, wala din naman tayo sa nasabing lungsod anong saysay ng mga palaspas na ating ginagamit para dito? pang taboy ng dyablo? pampaswerte?. Saking palagay ang ibig satin iparating ng pagdiriwang ito ay ang pagtanggap natin sa panginoon sating mga sarili, ang hayaan syang pumasok satin mga puso at pagharian ang ating buhay.
Sa mga sumusunod na araw naman ay ginugunita na natin ang pagpapakasakit ni Kristo, ang pag lapastangan sa kanya, ang pag talikod sa kanya ng mga taong minamahal nya at ang pagpapako't pag kamatay nya.
naun naman ang mga ito ba ay ginagawa natin para paulit ulit na patayin si Jesus? oh ang aralin kung paano naisakatuparan ang kanyang layunin?. Palagay ko ito ay ating ginugunita para matutunan natin ang pagkakasala ng tao sa diyos, ang pag kakanulo natin sa kanya, ang pag hahapas, pangunugya at pagpapahirap ng mga judio sa kanya na sa bawat kasalanang ating ginagawa at paulit paulit natin pinadarama sa kanya.
Kaya't dapat ilaan natin ang mga araw na ito upang pagsisihan ang ating mga kasalanan sa kanya at tuluyang talikdan ang mga ito upang di na natin magawa pang saktan ang damdamin ng diyos na simula pa sa simula ay syang tanging nagmamahal sa atin ng wagas. Walang kasalanan ang di magagawang patawarin ng diyos tulad na lamang ng talinghaga ng Alibughang anak, kung saan buong pagmamahal na niyakap ng ama ang kanyang nagkasalang anak.
Nagtatapos naman ito sa Easter Sunday o linggo ng pagkabuhay ang muling pag kabuhay ni Kristo matapos ang tatlong araw na pagkakahimlay, ang kaganapan ng pangakong kaligtasan ng panginoon. Dito, kung nagawa mo na syang tanggapin sa puso mo bilang diyos at tagapagligtas mo at kung napagsisihan mo na at tinalikdan ang mga kasalanan mo matatamo ang kaligtasan at ang biyaya ng pagibig ng diyos.
Nakakalungkot man isipin na kadalasan magawa man natin ito, sa pagkakatapos naman ng mahal na araw ay tila bagang nakakalimot muli tayo sating tipan sa panginoon at nagbabalik sa dating buhay na malayo sa diyos at puno nga kasalanan.
Ikaw? kamusta naman ang semana santa mo?
just understood Santa
ReplyDelete;-) had to work. pero double pay. di rin ako nakapagsimba ;-(
ReplyDelete