Tuesday, April 16, 2013

Ang Tanga kong Kaibigan

Wag' mo kong tawanan sa'ting muling pagkikita,
Kung sakaling ako ay pangit na.
Wag' mo naman akong aasarin,
Kung ang balat ay magaspang na't kulubot pa.

Sinabe mo nuon gan pagtanda tayo'y magkasama,
Pero bakit ngayon palang, ika'y wala na?
Aaminin ko sayo ako'y nagalit at nagtampo,
Sapagkat sa yaring salita ika'y sumira.

Di ko man lubos maunawana o maintindihan,
Alam ko ang dahilan ng yong' paglisan.
Ako'y nabagabag pagkat sa wari'y nagkulang,
Dahil wala akong nagawa para ikaw ay pigilan.

Kung noon sana'y ika'y aking nasamahan
Kung sana'y nagawa kong ikaw ay damayan,
Marahil sa bawat gala at mga inuman,
Tayo pa di'y magkakasamang nagtatawanan.

Ika'y saking naging mabuting kaibigan,
Marami din ang mga tuwang ating napagsamahan,
Tanging dalangin ko natagpuan mo na ang kapayapaan
Sa piling ng ating Ama d'yan sa kalangitan.

Maaring matagal pa ang ating muling pagkikita,
Pero siguraduhin mong ito'y yong paghahandaan,
Pagkat sa pagsalubong mo'y ikaw ay babatukan.
Ang sambit "Masayang makita ka muli tanga kong kaibigan.

PS

di ako nakikiuso nag kataon lang na naisipan kong ipost to hahaha!

11 comments:

  1. Hmmmnnn... siya ba 'yung late friend mo na dahilan ng iyong pag-iyak noong nasa pad tayo ni Daddy Jay?

    Na-miss mo noh?

    ReplyDelete
  2. sino ito? maka-tanga naman. hehehe

    ReplyDelete
  3. how sad..... don't worry kuya mecoy sabi nga nila "magkikita kita pa rin naman tayo sa finals".

    wala ng disclaimer... basta tula tula pa pag may time..
    :)

    ReplyDelete
  4. Ayyy na sad naman ako bigla sa ending nung tula mo Mecoy T__T

    ReplyDelete
  5. totoong character ba to si tangang kaibigan? hehehe

    ReplyDelete
  6. Aw hindi ko pa naranasan mamatayan ng kaibigan at wag naman sana...

    ReplyDelete
  7. sad ending...
    tama gawa lang ng tula sige lang ng sige Mecoy :)

    ReplyDelete
  8. Yung last medyo nakakatawa (the batok part) =))

    ReplyDelete
  9. I love your blog! This post is awesome! Check out my blog, write your opinion and maybe...follow? Where are you from?

    ReplyDelete
  10. Aw sad naman.. Pero bakit tanga si kaibigan? Bawal na daw mambatok pag nasa langit na, haha

    ReplyDelete