Friday, June 21, 2013

MODNAR|RANDOM

Kamusta na mga parekoy at mga marekoy? ako? eto, wala pa ding pagbabago dakilang tambay pa din.

Hmm nakakafrustrate lang haha kasi makapasa man ako sa interviews medical ko naman ang conflict. As of now, di ko na alam san ako magaaply, naisip ko nga gang pang fast food na lang nga ata ako haha, 
Hirap kasi pag High school graduate ka lang, Want ko mag try sa ilang call center, pero I doubt makakaya ko, kasi I know mabubulol lang ako sa kaba, wala kasi talaga akong grace under pressure at napakaliit ng self confidence ko haha, at kahit gano ka dami mag encourage sakin, wang makapag bago dun, siguro dahil sa 22(soon to be 23) na ko ee wala pa din nangyayari sa buhay ko.

Okay, enough na sa topic na yan, sa love naman, hmm di ko alam anu na nga ba ee, basta sigurado naman ako mahal ko pa siya pero ayun parang ang tabang lang kasi di tulad nung umpisa pa lang kame haha!

May mga package akong di dumadating, nakakadalawa na kaya mag rereport na ko sa post office kaso holiday dito samen ng monday kaya sa tuesday ko pa magagawa. Nag woworry lang ako kasi may isang instance na nagpadala ung brother ko na di natanggap ng pinadalan nya, nung nagreport siya nakita nya ung item na pinadala nya sa desk nung attendant.

At sa monday, tulad ng sabi ko ee holiday dito, pati ata sa manila kasi San Juan un, we call that regada dito,
anniversary na ng pagkakawala ko ng camera ng kuya ko haha!, well ewan ko kung lalabas ako this year kasi ever since nawala ung best friend ko wala na kong nakakasama dun.

Nauubusan na ko ng theme ng camwhoring ko! haha, may masasuggest ka ba? want ko sana sexy naman kaso impossible lalo pa naun, laki na ng tinaba ko! haha at lahat ee nakakapansin na, at ang masaklap di ko na maipit ung chan ko haha!

Dame ko gustong puntahan at bilin pero di ko magawa kasi wa pa din work which makes it even more frustrating haha, lapit na ng birthday ko pero ganto pa din, anyway speaking of which may mag gift kaya sakin? kasi last year yung worst bday ko ewan ko lang anu mangyayari this year.


Want ko din pala pasalamat si Sir mar para dito sa pag edit nya ng pic ko, natuwa talaga ko, naalala ko when I used to edit my pics too, kaso ayun wa na kong photoshop dito kaya hirap na.

Ilang araw na din akong puyat haha, di ko maayos ung sleeping habit ko eeh ewan ko ba, to kasing si net ee inaakit ako parate!

Oh siya madame na masyado ang sinabe ko, haha bye muna! salamat sa pag bisita

16 comments:

  1. Naku parekoy, tingin sinusubok ka lang talaga ng pagkakataon. Basta wag kang susuko. Laban lang ng laban :) Malay mo, meron pa lang naghihintay na mas magandang work para sa iyo diba? I know naman na very religious ka at malapit ka kay Lord :)

    Batiin na din kita ng isang Advanced Happy Birthday ^_^

    Alam mo, problema din ang post office dito sa amin. Di ba dati nagpadala si Arvin (Archieviner) ng mga post cards, alam mo ang nangyari, nauna pang dumating si Arvin dito sa Pinas bago dumating sa bahay namin yung postcard haha. Oh diba? halos 2 months kong hinintay yun... kaasar lang minsan ang mga incompetent na gov't workers dito sa atin >_<

    Astig naman ng pagkaka edit ni Kuya Mar ng Sharingan eyes mo. Galing!

    ReplyDelete
  2. Makakahanap din tayo ng work! :)

    Sana makapasa din ako sa medical.

    may ilang problema din ako, kagaya ng wala din akong work, walang lablayp :'( at higit sa lahat wala akong update sa blog. lol

    Advance happy birthday Mecs! Namiss ko mag blog hop!

    Ang galing talaga ni super M dumutdot! haha!

    ReplyDelete
  3. agree kay fiel. pagsubok lang ang lahat. isa pa walang binibigay si GOd na hindi natin makakaya. cheer up :) at kung di ka makapunta outside cavite para gumala eh kami na lang pupunta dyan. ganun lang un. isang text lang naman yan hahaha. nandito lang kami lagi

    ReplyDelete
  4. MEcoy dami ko alam na call center agent na high school graduate din tingin ko nga mas magaling ka pa sa kanila basta alisin mo lang ang kaba. Tiwala lang at maraming dasal...

    Yung sa medical naaayos naman yun eh kung may findings...

    Unahin mo muna yung hanap work easy lang muna sa lovelife gaganda rin yan bata ka pa ha ha

    Ako nga may mga imi-mail din sana sa mga bloggers sa ibang bansa but nabad-trip ako sa mga taga post office kaya ni-hold ko na lang muna. Ang sobrang mahal naman kasi ng speed post eh hindi maka-tao lol.

    Lagi mo lang isipin may nagpi-pray sayo dito ;)

    ReplyDelete
  5. Parekoy nu problema sa medical? Tiwala lang, kapit lng kay bro gnyan na gnyan din ako dati... Tandaan mo tau gumagawa ng kinabukasan natin pag di natin itry walang mngyayari hehe

    ReplyDelete
  6. I agree with BloggerRunner Mecoy.
    Yung batchmate ko sa call center, high school graduate pero after 6 years kaming dalawa na lang natira sa batch namin sa office - that's out of 25 trainees ha!
    Dasal, self-confidence at praktis talaga ang kelangan. Kaya mo yan!

    Bet na bet ko pix mo ha, vampire lang ang peg! ヅ

    Fashionmoto Blog
    Bloglovin
    Facebook
    Fashiolista
    Google+
    Instagram
    LookBook
    Pinterest
    Tumblr
    Twitter

    ReplyDelete
  7. dati kumikita ako sa pagsusulat sa isang site...simpleng mga personal write-ups lang at mabilis din kumita kahit papaano...kaso sa ngayon may mga problem sa payment kaya sayang...baka lalo kang ma-depress...

    Anyway, keep on applying na lang. Ganyan talaga! Tyagaan talaga ang paghahanap ng trabaho...kaya mo yan!







    ReplyDelete
  8. Add moko sa skype --arejaye22 ---coach kita for call center work.seryoso ako.hehe

    ReplyDelete
  9. You are very talented, lalo sa pag english. Kayamo call center. Try and try until you succedd. Im praying for you.
    Sikap lang at tiyaga. Good luck

    ReplyDelete
  10. great blog

    Love Rachael
    follow me on Instagram
    follow my Blog

    ReplyDelete
  11. Goodluck sana makahanap kana ng work soon. Kaya hirap ka makatulog kasi wala ka pinag kakapaguran. Haha ganyan ako dati e nun 1 yr ako tambay

    ReplyDelete
  12. good luck k? i have a hard time figuring out your blog, cuz the google translate doesn't help much

    ReplyDelete
  13. mag pray ka! ehehe .. ayos sa advise .. feeling close ..? Pero and stress talaga nakakasira ng diskarte sa buhay, siguro focus ka na lang muna, set mo priorities mo, tama wag muna love life .. hehe..

    anyway.. just found your blog from fiel ..

    nice .. definitely following your blog :)

    ReplyDelete
  14. Amazing post :)
    Check out this new giveaway, summer clothes and $100 gift card!
    Wanna follow each other on GFC and FB?

    Your Princess is in Another Castle


    xx Sofie

    ReplyDelete