=♥.♥=
Thursday, August 22, 2013
Tuesday, July 16, 2013
R.O.P.
Random Only Policy
What's up with you guys? ako eto, after ten decades nahire din hehehe,
kaso nasa training phase pa din so there's still no assurance hehe.
Actually nasa second week na ung training at nakakatuwa lang makakuha ng praises sa mga cotrainees saying na for a high school grad like me mejo oks daw ako sa communication skills.
To the fact that I rarely talk in English sa ibang tao ee nakakaya ko, thanks sa guidance ni GOD,
at saka ung first sahod ko even though para sa one week lang ee makukuha ko on my birthday,
coincidence? nah, I prefer to call it God timing.
Mag tethank you din ako sa inyo your encouragements helped me a lot, you believed in me more than I do to myself.
hmmm ayun nga sana magtuloy tuloy na kasi naeenjoy ko ung work ee. Anyway travel account ung napunta sakin, so after this travel expert na daw kame haha, By the way sa Aegis Peoplesupport ako nahire, and Senyor told me na malapit lang sya and some other bloggers dun sa office namen.
Nakakapagod pala magtravel everyday pero nawawala naman sya pag nasa training room na kasi masaya kasama ung mga tao dun at namiss ko ang mag aral haha.
Mejo stressful sched ko naun kasi morning shift, kasi sa palagay ko mas madali mag puyat kesa ang gumising ng maaga diba diba diba?
Nga pala sa second sweldo ko nagplaplano akong manlibre...
oks na ba sainyo tagiisang tuhog ng fishball? haha
Oh sya need ko na mag rest kasi antok na ko, till then mga parekoy at marekoy!

Friday, June 21, 2013
MODNAR|RANDOM
Kamusta na mga parekoy at mga marekoy? ako? eto, wala pa ding pagbabago dakilang tambay pa din.
Hmm nakakafrustrate lang haha kasi makapasa man ako sa interviews medical ko naman ang conflict. As of now, di ko na alam san ako magaaply, naisip ko nga gang pang fast food na lang nga ata ako haha,
Hirap kasi pag High school graduate ka lang, Want ko mag try sa ilang call center, pero I doubt makakaya ko, kasi I know mabubulol lang ako sa kaba, wala kasi talaga akong grace under pressure at napakaliit ng self confidence ko haha, at kahit gano ka dami mag encourage sakin, wang makapag bago dun, siguro dahil sa 22(soon to be 23) na ko ee wala pa din nangyayari sa buhay ko.
Okay, enough na sa topic na yan, sa love naman, hmm di ko alam anu na nga ba ee, basta sigurado naman ako mahal ko pa siya pero ayun parang ang tabang lang kasi di tulad nung umpisa pa lang kame haha!
May mga package akong di dumadating, nakakadalawa na kaya mag rereport na ko sa post office kaso holiday dito samen ng monday kaya sa tuesday ko pa magagawa. Nag woworry lang ako kasi may isang instance na nagpadala ung brother ko na di natanggap ng pinadalan nya, nung nagreport siya nakita nya ung item na pinadala nya sa desk nung attendant.
At sa monday, tulad ng sabi ko ee holiday dito, pati ata sa manila kasi San Juan un, we call that regada dito,
anniversary na ng pagkakawala ko ng camera ng kuya ko haha!, well ewan ko kung lalabas ako this year kasi ever since nawala ung best friend ko wala na kong nakakasama dun.
Nauubusan na ko ng theme ng camwhoring ko! haha, may masasuggest ka ba? want ko sana sexy naman kaso impossible lalo pa naun, laki na ng tinaba ko! haha at lahat ee nakakapansin na, at ang masaklap di ko na maipit ung chan ko haha!
Dame ko gustong puntahan at bilin pero di ko magawa kasi wa pa din work which makes it even more frustrating haha, lapit na ng birthday ko pero ganto pa din, anyway speaking of which may mag gift kaya sakin? kasi last year yung worst bday ko ewan ko lang anu mangyayari this year.
Want ko din pala pasalamat si Sir mar para dito sa pag edit nya ng pic ko, natuwa talaga ko, naalala ko when I used to edit my pics too, kaso ayun wa na kong photoshop dito kaya hirap na.
Ilang araw na din akong puyat haha, di ko maayos ung sleeping habit ko eeh ewan ko ba, to kasing si net ee inaakit ako parate!
Oh siya madame na masyado ang sinabe ko, haha bye muna! salamat sa pag bisita
Thursday, June 20, 2013
Naisip ko lang
"Kung pano siya sa likod ng iba,
panu na lang kapag ikaw na ang nakatalikod sa kanya"
"Kahit mahal nyo nga ang isa't isa,
eh palagi ka na lang masaya"
"Ang matinding problema na kakaharapin mo ee hindi ung nariyan na oh yung dadating palang,
kundi yung wala naman talaga kahit pa nung una"
"Huwag mong antaying mapagod siyang maghintay sayo,
dahil madaling bumitaw ang taong hapo"
"Madaling magpayo sa iba,
pero iba ang usapan pag saiyo na"

Wednesday, June 5, 2013
Flirt of Friendly?
hmmm mahirap idistinguish kung anu kinaiba neto diba? madame nang instances na nabansagan akong flirt at paasa dahil sa pagiging friendly ko. Well let me clarify lang ito ee nangyari nuon pang single ako ahh hahaha baka ma misinterpret nanaman ako ee.
Ayun nga kasi panu nga ba nag sisimula ang flirting, hmm sakin, sa style ko ahh, nag sisimula ang lahat sa isang makamandag na titig! haha ung tipong my slow motion! haha at syempre ang makamandag na titig ala Aljur Abrenica ee sasamahan mo nag ngiting ala Coco Martin, effective un maniwala ka. hmm Tapos ng pag papacute dun na papasok ung CHANSINGAN! ayy di papala yun, bago pala ung ee kwentuhan muna, at dapat ride on ka lang sa usapan, ibida ang sarili pero dapat sa pahumble na way! haha at syempre di mawawala yan ang shoot na shoot na pambobola! ung tipong kahit dumi nya sa ilong ee pupuriin mo! okay din ung mejo touchy ka, ung nangingiliti at ung humahawak sa kamay. Kilig points na chansing moment pa diba?
haha anu pa nga ba? hmm ung rest depende na ung sa babae, syempre mararamdaman mo naman mga dapat mong gawin ee. Keep in mind, na dapat imementain mo ung pag papacute all throughout ahh! haha
Ewan ko sa inyo basta sakin effective to haha.
Pero ayun ang mahirap lang ee mejo gantong kaibigan din ako minsan ee, ung pacute at me effort to get close kaya ayun ang ending PAASA daw haha.
Worst experience ko ee ung may hiwa hiwa pulso acting na naganap! haha nakakabaliw kaya un!
ohh sige na nga! aamin na ko Flirt talaga ko NUON may motto kasi ako nung collect and collect then select hahaha! masisisi nu ba ang late bloomer!
hmm as of now di na ko na nagagamit to sa iba, at sa GF ko di ko sure kung effective pa ba haha!
kayo anu ang style nu? at worst experience nu sa flirting game!

Saturday, June 1, 2013
Pusong kabayo!
Muzta na?
ako? eto mejo stressed!
haha kasi ung inapplyan ko ee napaka demanding haha, SM dept. store lang naman haha,
medical na ko naun, una nag karoon ng issue sa Xray ko, na need ko pang mag paXray ule na ginawa ko naman agad, thanks god at wala naman palang problem, pero aun na nga, nung sa second part na nag ka issue naman sa heart beat ko, di daw normal ung bilis, so ayun na nga need ko naman ngayong mag pa consult sa cardio, nag pa ECG na ko normal naman ung result, pero need pa daw masuri ng cardiologist na gagawin ko pa lang bukas!
Sana ok na to! dame ko na gastos ee! hahaha SANA!

Wednesday, May 22, 2013
Thursday, May 16, 2013
Nang si MEcoy ayy nagalit kay meCOY
well, feel kong need ko ata mag update haha, hmm anu nga ba,
kasi lately ee ngahahanap na ko ng work,
At ang first try ko is for office staff na nakita ko sa jobstreet Acquire Personnel Services Training ang name nung agency(not actually an agency tho) pero that day onhold yung positions for office staffs so nag stay pa din ako and checked for other options, mayroon para sa data encoder, pero mejo unpleasing ung rate(chusy diba) tapos may isa pa which is for CSR, and ung interviewer is nandon na that day so sabi ko try ko na din baka makalusot.
Anyway ang role ng Acquire ee sya ung mag susuot sayo ng brief or in other words nag bribrief sa applicants on what to do on an interview, at infairness dame ko natutunan sa lesson nila sir, pero eto na nga biglang may catch, ang required pala is at least 2 years in college! napa oh oh (mala give me reason) ako haha at ang matindi pa ee, tinanung isa isa anu course ang tinake sa college haha pag dating sakin sabi ko "highschool grad lang po ako", sabe ko na lang encoder po ang inaapplyan ko tas biglang yuko ako dahil super nanliit ako:/ self pity nanaman. Pansin ko din na naguilty si sir haha kasi tumumigil na sya mag tanung saka all throughout naka tingin na sakin haha at kinausap din ako na try ko din daw mg CSR kasi ung kita mo sa encoder ee pangbayad lang daw ng ilaw ung haha. Ito na nga diba ang haba na, to make this short di ako nakapaginterview dahil di daw talaga pwede ung hs grad, but then ni refer nila ko sa Teleperformance nibigya na nila ko ng referral slip.
The next day, which is today, ng try ako! aga aga ko nga 8 pa lang nasa MOA na ko kasi sabi nung friend ko dapat daw maaga ee ang kaso 10 pa so ayun nga nga.com ako for 2 hours, nung nakapasok na ko nanliit nanaman ako kasi feeling ko di ako qualified at di ko alam kung kakayanin ko. 11:30 ung online/typing test ko pero ginawa namen sya 1 pm na haha diba ang gara? at ang napaka sakit pa ee bagsak ako sa typing, 70% accuracy at 16 words/ second! nanibago kasi kasi ako sa keyboard ang tigas mxado at super kinakabahan ako! ni try ko nga sya dito samen same software ata saka same words naka 28wpm naman ako at 92% percent accuracy amp sana ganto ako kanina! un na lang nasabi ko!
ayun nga, bukas babalik ako para mg retake! pero super down talaga ko naun kasi sabi ko nga noon ee, the most painful disappointment you'll get, is being caused not by others but yourself actually mejo mangiyak ngiyak na ako sa bus kanina kasi sabe ko typing lang binagsak mo pa! panu ka pa sa actual interview? haha, pero ayun last chance ko bukas, di ko na yata kaya tumanggap ng rejection haha at pag wala pa din anu na? Mrt o lrt? haha syempre joke lang
ayan disappointed na din ba kayo like me kay mecoy?

Monday, May 13, 2013
Ms. Ideal = Ms. Imposible
Hmm, alam ko lahat tao ay may ideal na taong gustong makatuluyan, I mean yung isang taong mamahalin mo na may mga katangiang hinahanap mo. Swak sa swak kapag nese kenye ne eng lehet dibe?
Sa post na to since bored ako at since election naun bigla ko naisip na isulat ang ideal na characteristic ng babaeng trip ko! well not because di ako happy sa gf ko sadya lang wala kong magawa haha
Ang gusto ko sa babae ee may sense of humor, ung napapatawa ako kahit masama ang loob ko. Trip ko din ung appreciative na babae, ung bawat gagawin ko for her eeh maaapreciate nya. Matampuhin akong tao kaya want ko ung isang girl na alam ung takbo ng utak ko, ung mga bagay na ayaw ko ee di nya ginagawa at alam nya kung kelan ako galit at hindi, kasi madalas di ko pinapakita kung anu ba talaga haha. Want ko din ung selosa pero di OA at hindi TH ung tipong may makausap ka lang ee kala mo nang nakipagsex ka na sa iba haha. Want ko din ung mejo showy ng feelings, ung ipinadadama sakin na love nya ko. Maganda din ung suportive ung partner mo, ung lagi syang nandyan sa mga achievements and shortcomings mo. Maganda din ung may common thing kayong kinagigiliwan diba?. hmm anu pa ba? impromtu writtng lang to kaya wala na ko maisip haha
hmm sa physical features naman! hmm ang trip ko ee ung kawangis ni Avril! ganun na ganun ah! ng kahit sa sukat ng pilik mata ee katulad na katulad, haha!
Well, sa totoo lan sa tingin ko imposible mapunta sa isang tao ang lahat ng gusto mo pero ang bottomline is, I think, love see nothing, there's no standards or ideal when it comes to loving and sometimes, ironically, you'll find love on a person opposite to your likings.
basta ako? masaya naman ako ee
hmmm eto naman ang characteristic ko as a boyfriend, eto ee ung sa tingin ko lang ahh!
hmmm, maitin ang ulo,
seloso,
mejo sweet na close to corny!,
matampuhin,
makulit,
mahilig manangching haha,
loyal naman.
haha ung ibang ee ng gf ko na lang makakasagot nun!

haha o diba isang post na din ang nagawa ko? haha dpa lage akong bored ng lage ako my post haha
Tuesday, May 7, 2013
Banyo king!
haha so warning lang ang mga susunod na mababasa at rated SPG! (Sabaw Post Goooo, hahaha maipilit lang bakit ba)
Well minsan ba naiisip nyo, anung hiwaga meron ang banyo? haha kasi madameng kababalaghan ang nagaganap dito na di maipaliwanag ng syensya!
halika at tuklasin natin ang lihim!(insert matanglawin theme song haha)
Ang banyo daw di umano ay ang pinag mulan ng autotune! naisip daw eto ng nagimbento ng autotune habang siya ay napakanta habang naliligo sa banyo!. Syempre joke lang un haha, pero ayun di mo ba pansin na ang isang tao ee nagiging instant professional singer ala bruno mars at adele kapag nasa banyo?. Aminin mo, madalas mo din gawin to diba!
Eto pa may di pa nakukuntento! may ilang din naitala na nagiging bad boy of the dance floor pa kapag nasa banyo!. Pero teka sa pagkanta sure ako na kayo din ginagawa nyo pero ang sayaw? ako lang ba? haha ung kulang na lang ee pulang ilaw at careless whisper haha!
At eto nga ang pinakamatindi! pinaka nagbabagang hiwaga ng banyo. Isa kang instant porn star sa banyo! aminin mo man o hindi alam mo totoo to! not unless ee naliligo, umiihi at nag jejerbs ka nakapang winter collection!. Kung buhay lang ang banyo ee malamang pinagkakitaan na nya ang pag bebenta ng scandal sa bangketa! haha.
So mga bata! madame ba kayong natuklasan sating leksyon sa araw na ito?! umayos ng sagot ahh!
At baka naiisip nyo kung bakit ko naisipan ipost to! kasi kanina lang sumakit ang kamay ko sa ginawa ko sa banyo! grabe kasi ee!
uyyy di yun ahh, ang bastos mo! haha well since kakarenovate lang ng cr namen may task na iniwan sami ung naggagawa at ayun na nga nagawa na namin ung first half bukas naman ung iba kakapagod kaya!

Friday, May 3, 2013
Ooops
Tagal nung inorder kong ABS! na traffic ata! hahaha, hm anu nga ba? siguro pag naging macho ako mas magiging Camwhore ako hahaha! sino ba aman ang di magigin proud kg me abs sya diba? eeh pinagpapaguran un!
anyway alam mo ung advantageCamwhore? ee yun ee ung alam mo panu dayain sarili mo sa pic! tulad nalang neto,
diba nag ka panga ako? hahaha trip ko makaroon ng makantong panga ee kasi sa tingin masculine ang dating pag ganun diba?
hmmm pero sa naun? ang ginagawa ko ee MAGPALAKI!...teka parang panget ng term na ung baguhin natin mapagpataba na lang! haha sa tingin ko ee nataba nanaman ako ee!
pero ayun, alam mo ung feeling na di mo alam kung itetake mo as compliment o hindi pag sinabihan kang mataba o mapayat ka? hahaha sana next time sabihin sakin ee ang macho or an hot mo! diba masarap pakinggan ung ganun hahaha
hahaha so alam mo na? nagsayang kalang ng oras sa pa bisita diba? haha wa kasi ako maisip na ipost, trip ko sana ipost ee advantages ng masterbation
since nakita ko ito sa fb na national masterbation month pero naisip ko ee naipost a n cyron un ee!hahaha
oh saya bye bye muna!

Thursday, April 25, 2013
The Perfect Pitch Award!
Well eto ayy isang tag award na natanggap ko galing kay Rix sa mula sa kanyang Maestro Sinto-Sintonado
I am honored receiving this award (teary eyes) first I wanna thank my fans oops sa ibang acceptance speech pala yun haha! well ito na umpisa umpisa din!
The Rules:
1) Please use the same title and include as well the picture above in your post.
2) Don’t forget to link Maestro Sinto-Sintonado's blog to your post.
3) Give the award to 7 other bloggers you love and let them know you gave them this award.
4) Answer the questions below:
1) What is your own definition of music?
•Music, is something that is not just heard through ears but felt by heart as well.
2) Ano ano ang mga genre ng musika ang pinakikinggan mo?
• No particular genre ee, kasi sa song ako bumabase pero, ayun nga more on acoustics
and RnBs siguro
3) Kung ikaw ay isang awit, anong awit ka at bakit?
•Welcome to my life- simple plan! hehe wa lang kasi mejo relate ako sa lyrics ee
4) Kung may musical instrument kang gusto mong maging bihasa, ito ay ang.....
•hmm, Organ! para laging kong piniplay an organ ko haha ang laswa pakinggan1
pero seriously piano/organ , kasi napaka classy at sophisticated
5) Baduy ba para sa iyo ang mga kantang OPM (Original Pinoy Music) considering na isa kang Pinoy?
•haha di naman, pero sa totoo lang madame talaga kong mga kantang masasabi kong
di ko matagalan haha
6) Kung may isang stanza ng kanta na magsasabi ng tunay na nararamdaman mo ngayon, ano ang stanza na iyon, saang kanta galing at bakit?
•since relate ako sa Welcome to my life eto na din,
Do you wanna be somebody else?
Are you sick of feeling so left out?
Are you desperate to find something more
Before your life is over?
Are you stuck inside a world you hate?
Are you sick of everyone around?
With their big fake smiles and stupid lies
While deep inside you're bleeding
eto ung mga pagpapasahan ko ang anim na pangalang una kong naisip ehehe salamat in advance
Pareng Jay
Senyor
Pao Senpai
Bino
Jeison
Zai
Tuesday, April 16, 2013
Ang Tanga kong Kaibigan
Wag' mo kong tawanan sa'ting muling pagkikita,
Kung sakaling ako ay pangit na.
Wag' mo naman akong aasarin,
Kung ang balat ay magaspang na't kulubot pa.
Sinabe mo nuon gan pagtanda tayo'y magkasama,
Pero bakit ngayon palang, ika'y wala na?
Aaminin ko sayo ako'y nagalit at nagtampo,
Sapagkat sa yaring salita ika'y sumira.
Di ko man lubos maunawana o maintindihan,
Alam ko ang dahilan ng yong' paglisan.
Ako'y nabagabag pagkat sa wari'y nagkulang,
Dahil wala akong nagawa para ikaw ay pigilan.
Kung noon sana'y ika'y aking nasamahan
Kung sana'y nagawa kong ikaw ay damayan,
Marahil sa bawat gala at mga inuman,
Tayo pa di'y magkakasamang nagtatawanan.
Ika'y saking naging mabuting kaibigan,
Marami din ang mga tuwang ating napagsamahan,
Tanging dalangin ko natagpuan mo na ang kapayapaan
Sa piling ng ating Ama d'yan sa kalangitan.
Maaring matagal pa ang ating muling pagkikita,
Pero siguraduhin mong ito'y yong paghahandaan,
Pagkat sa pagsalubong mo'y ikaw ay babatukan.
Ang sambit "Masayang makita ka muli tanga kong kaibigan.

PS
di ako nakikiuso nag kataon lang na naisipan kong ipost to hahaha!
Saturday, April 13, 2013
Vlog? Etong sayo!
ooh usong uso ngayon ang Vblog diba! alam nagsimula yan kay Kulapikot na sinundan ni Lala at Rix ee at syempre papahuli ba ko?
ito na tunay kong boses to pramis! haha napost ko na ton last august sa Villa ko ee(Villa and apartment! PBB?)
siguro naman nakakaen na kayo nu? ero not just one, not just two but three!!

BABALA : WAG PANUORIN NAKAMAMATAY!
haha in fairness naman may naloko din ako sa mga nanuod neto haha
Saturday, April 6, 2013
Mecoy Face Dance
Dahil masaya ako ngayon isheshare ko to! haha
naisip ko to dahil kay LALA kaya siya sisihin nyo hahaha!
Wednesday, April 3, 2013
I ♥ PBO : First Impression Part 2.5
Haha ito na nga may special portion tayo! haha inihiwalay ko talaga to kasi pinaka special ka!
Well ladies and gentlemen ready na ba kayo, our binibining pilipinas universe is no other than! Senyor!
Sinadya ko talagang di iinclude sya sa first two list para sa special post na to! special ka para sakin di dahil nilibre mo ko sa swimming natin haha kundi among all bloggers ikaw ang pinaka close ko.
Well kahit sino naman siguro ay masasabing si Senyor ang life of the party diba? bilib na bilib ako sa humor nya! at kapag nag salita sya ee alam mong madameng imbak na kaalaman sa... utak ooh utak sinabi ko!
haha pero joking aside taas ng respeto ko sa taong to nung una pa lang na nakausap ko sya nung sa meet up namin nina Jay ee may certain charm na sya na di mo mahihindian!
hmm tuwang tuwa din ako pag natawa sya haha nakakahawa ee!
Ayun nga tulad ng sabi ko witty tong taong to at di mauubusan ng pakulo at kalokohan! haha syempre alam kong ayaw mong pinupuri ka kaya yun ang gagawin ko ganyan kita kamahal hahaha!
Pero seriously, I would like to thank you for inspiring me to be better, kasi since nagkausap tayo about blogging ee mejo naging conscious ako at nag decide akong pag igihin pa ang pagsusulat ko,at yun ang dahilan kung bakit ko pinipilit yung novel kong hirap ikwento sa english para naman kahit pano mahasa naman ako! kaya nga name mo ang ginamit ko dun! haha un nga lang wala pa ding improvement kaya pag pasensyahan nyo na lang yung aking grammar!
Muli salamat sayo at sa bawat tuwa at hagikgik, kaalaman at inspirasyong iyong dala! Looking forward sa more bonding moments natin Senyor, :)
I ♥ PBO: First impression part 2
Well ang balak ko sana ee gumawa ng mga 5 pa parts ee kaso naisip ko baka mainip kayo hahaha!
natawa ako sa last post ko kasi, nag kamali ako si Madam Arline pala ang may sucessful paikot stunt at indi si Joanne ewan ko ba para kasi inedit ung memory ko at si Joanne ang nakita ko dun hahaha,
malala na talaga ito ba ang nagagawa ng tamad at walang trabaho?
eeeeeto na nga, syempre dapat sinisimulan na diba? wait kanino na ba ko? ABCDEFGHIJKL.. ahh M na hahaha
Engots ko diba inuna ko si Sir Mario kahit may ate Mads at Marge pa haha!
so dame ko nang sinabi diba wa pa din nasisimulan.... sige na nga baka majombag na ko!
Mads - ayiiiieh! basta Ayiiie! hahaha pbb teens naman ang naalala ko dito ay di pala Popoy and basya pala haha pwede ding Shone and Nam! bakit kamo? paki play muna ang muling ibalik! hahaha, makatukso ako feeling close lang diba? haha pero teka first impression, una ko syang makita eeh feeling ko ee matalino sya haha ewan ko basta ganun ee, first impression ko to bakit ba gawa ka ng sayo haha.
Marge - Ayy ito ung magandang si ate marge! di ko siya nakausap, at ni indi nga ata kami nakapakilalahan ng maayos haha, hmm anu nga ba? tahimik lang siya ee ni hindi ko nadinig ang boses nya hahaha, pero ayun nga maganda sya period haha.
Mecoy - first impression ko sa sarili ko? TAMAD! haha sensya na naisama ko sa list kong sinusundan ee hahaha basta Tamad yun na yun hahaha.
Meow - haha si ateng tatalo sa height ni zai! haha ang cute cute nya, lalo pag natawa! saka parang childish in likable way ung aura nya! ansarap nya panuorin nung sinusukat ung pool gamit ung net thingy hahaha! at isa pa parang sarap nya pakinggan mag salita parang puno ng energy a ewan haha.
Ate Mitch and Kyle - pinagsama ko na mother and daughter naman ee, di ko alam kung mababasa nila to, wait blogger ba si ate? haha ayun nga natuwa ako kasi ang baet nya at nakatulong ko sya kay lola Olen ay dahil din sa kanya nalaman ko ung mga info haha sana mahanap namin ung mga family ni lola para makadalaw sa kanya. Si Kyle naman ee inis ako dun kasi sya marunong mga piano ako inde hahaha joke lang syempre galing na bata ee nu ang cute pa.
Nutty and company! - haha syempre mahaba to 3 to ee, anu nga ba di kame mxado nakapagusap ee, pero ayun sarap nila panuoring tatlo! natatawa ko sa usapan nila ee. Sayang di kame nakapagpapicture na dalawa para di na edited ang face off namin hahaha! anu nga ba? napaka synonymous na kung sasabihin kong mukhang mabait kaya sasabihin ko na lang muhkang mabait hahaha.
Toshi - ang hakot award queen! haha ewan ko may anting anting ata mula kay darna tong lalakin to at pinakyaw ang miss gay lotto ee. nuong una nakita ko syang nakaupo sa tabi ng isang lola, akala ko ayy lalaki sya! un pala ayy may lahi sya half boy half girl hahaha buti di ako namatay sa maling akala.
Kelly - Astigin ung buhok nya ee rumirihanna ehh hahaha, pero ayun may kamukha sya ee kaso ayoko sabihin, basta natatawa ko sa kanya kasi lage sya ang unang natatanggal sa miss gay lotto at pati nadin sa high pitch nyang second voice hahaha!
Pao Senpai - Si mr pahabol! well ang lalaking walang masamang tinapay! haha at si mr magalang! haha sayang at di sya nakaabot sa bahay ni maria! kasi alam ko malaki maitutulong netong batang to ee hahaha anyway Idol ko to!
Rix -ayun isa pang power belter! haha sarap nakawin ng vocal cords at install sakin ee. malaking tao din to ee 6 footer din haha, ewan ko mejo tahimik pag nakikita ko ee, baka nakainum ng gamot at di baliwag ang aura nya! haha nung sa miss gay lotto naman parang si nya alam ginagawa nya!
Sunny toast aka beyonce - hahaha si miss glamorosa haha ineexpect ko sa kanya ee inglisherang ayaw sa masikip, ayaw sa mabaho ayaw sa PUTIK! in short sosyal! haha nakikita kasi sa blog nga ee pustiryosang pusturyosa pero ayun nga nung nakita ko ee kalog din pla haha pasimuno na pasamahin sina Bino at Madz sa swimming pero ang ending nawala ang lola mo hahaha!
Tiny - eto kasama ni Sunny ewan ko bakit tiny ang name nya! hmmm tahimik at smiling face si ate! at ang cute nya sarap titigan ehehe basta may kamukha sya ee di ko lang talaga maisip till now kung sino (HINDI ung sa pitch perfect mas maganda naman sya dun)
Zai - Ayy ito na si Mr. president! hahaha! Ziant! este Giant! haha laking tao ee, hmm mabait at mahinhin mag salita at kumilos, filipinang filipina! haha naaliw ako sa pagsasalita nya ee ewan ko basta parang ang chilax lang! yun nga smiling face din ee trained maging beauty queen? haha sayang kaw ung pinapanalo namin sa Miss gay lotto ee kaso fail kame! ingit nga pala ko sa facial hair nya kung anu mang tawag dun ayoko sabihin balbas lakas maka manginginom ung term eeh
ohh ayan tapos na diba? may nakalimutan ba ko? hmmmm wala ahh! hahaha wait tignan ko sa list ko...
wala na nga! hahahahaha nice meeting you all hahaha!
Monday, April 1, 2013
I ♥ PBO: First impression! part 1
Well first of all want ko icongratulate ang PBO family ko(wow parang artista) sa napakasuccessful na outreach sa bahay ni maria last saturday galing nu! hehe at sobra po akong thankful dahil nisali nu po ako sa event na yun! napakalapit saking puso ng mga lola ee! salamat po talaga!
Bukod sa excitement ko makiinteract sa mga lolas dun isa sa pinaka piananabikan ko ayy ang encounter ko sa nga bloggers na matagal ko nang gustong mammeet! at syempre pag may namimeet di mawawala ang first impression hahaha at ang post na ito ay patungkol duon.
Arline - Matagal ko nang naririnig ang pangalan nya lalo nung umulan ng cupcakes sa blogosphere haha. Well anu nga ba? parang sobrang bait nya, approachable saka mukang masayahin din. natatawa ako sa kanya nung sa mga palaro ni senyor di mo malaman kung get na nya oo nanghuhula lang hahaha. Hmm kakahiya kasi di ko pa nabibisita blog nya sa dame ng blog na binibisita ko nakakalimutan ko nang bisitahin ung ibang PBO members.
Bino - Isa sa unang bloggerong nakilala ko in person, actually nung first meeting namin intimidated ako sa kanya kasi ung blog nya ee parang high profiled hehe pero ayun mabait naman pala sya at feeling close na ko sa kanya hehe. Anyways trip na trip ko mga kwento nya! at ung hahaha abangan sa susunod na kabanata...
Empi - Ang Derek Ramsey ng PBO, haha tahimik na tao! panu pa kaya kung tayo tayo nina Pao, Archie ang nakasama sama haha. Ingit ako sa balbas (di ko alam tawag dun basta ung facial hair haha) kasi ako di tinutubuan nun! hahaha at ingit din ako kasi kalbo sya! di din ako pwede nun hahaha ako na ingitero
Glenn - Ang lalaking mahilig sa BOLD STAR at ang pasimuno sa pagpapatalo kay Senyor sa Ms.Gay lotto hahaha, matagal ko na din trip bisitahin blog nya dahil na din sa praises ni Senyor pero till now di ko pa nagagawa haha. hhmm maL ata tong taong to haha at sobrang natatawa ko sa mga suggestion nyang categories haha sa mga di nakakaalam eeh kayo lang ee di kayo nakijoin samin bhelat.
Hustin - haha mejo nakausap ko sya sa jeep, at nalaman kong nabisita ko na ang blog nya, ang nakapagtataka ee bakit di ko naman nakikita sa google reader ko ang updates nya, at ang masama pa neto nakalimutan ko ung blog title nya! haha hahanapin ko na lang haha pasenya na parekoy my issue talaga ko sa memorya haha.
Jeison - Mejo sya ung nakausap ko the whole event kasi lage kame nagkakatabi sa tric at nagpakain sa iisang lola, ewan ko basta parang kilala ko na sya simula palang, actually familiar sya sakin ewan ko ba. hmmm anu nga ba, Ok naman sya sarap naman kausap at enjoy din kasama gusto ko ibuka ung mata nya singkit ehh haha piz
Joanne - Di ko pa din ata nabibisita ung blog nya pero ayun palage ko sya nakikita sa blog ni Zai. Ang cute nya ang nipis na babae hahaha piz! , nagenjoy din ako sa kanya sa palaro ni Senyor haha dun lang ata yung longest encounter namin ee. At sya lang ang nakapagtala ng kaisaisang succesful paikot sa tubig stunt namin hahaha.
Josh - haha feeling ko laki ng kasalanan ko sa taong to dahil saking tanong sa Vblog nya buti na lang di nya ko niresbakan nung event hahaha. hmm anu nga ba kasi nung nakita ko sya parang second time na dahil siguro, kasi napanuod ko na sya? haha.
Jun - Si panget! haha well di ko sya maxadong nakasalamuha(un talaga ang term?) kasi tinulugan kame hahaha. Anu nga ba? tahimik din ee haha next time ipagbawal dapat ang matulog ng maaga sa event like this diba guys?
Sir Mario - Isa sa pinaka wat kong makilala sa mundo ng bloggero! hmm anu nga ba parang napakabait na tao neto parang "walang masamang tinapay" (pahiram ako pareng Jay haha) at napatunayan kong siya ang official John Lloyd Cruz ng PBO haha, panu ba yan my Derek na may John Lloyd pa haha. Pinaka memorable na encounter ko sa kanya ee nung ihayag ni ateng from bahay ni maria na nakawhite(di ko tanda ung name makakalimutin talaga ko) grabe dame ko tawa dun haha.

Wednesday, March 27, 2013
SEMANA SANTA
Ano nga ba ang semana santa?
Panahon para sa bakasyon?
Panahon para malaman ang kwento ng ating kaligtasan sa pamamagitan ng pagkamatay at pagka buhay mag muli ni kristo?
Panahon ng pagdaradal?
Panahong tulog ang diyos?
Tunay na may iba't iba tayong interpretasyon para sa naturang selebrasyon. Pero anu nga ba ang dahilan ng mga ito? bakit natin ginugunita ito at para saan ang mga tradisyong ginagawa natin sa loob nito?
Well di ko din masabi kung ano nga ba ang tunay na dahilan, pero saking palagay ay ito ang panahon para papasukin ang panginoon sa puso natin, pagsisihan ang mga kasalanan at para matagpuan ang biyaya ng panginoon.
Ito ay official na nagsisimula sa pagdidiwang ng Palm Sunday, o palaspas, ito ay sumisimbolo sa isng mahalagang tagpo sa buhay ni Kristo Jesus sa biblya. Ito ay ang matagumpay na pag pasok nya sa lungsod ng Jerusalem kung saan ang mga tao'y buoong galak siyang pinapurihan at tinaggap. Pero panahong kasalukuyan ano nga ba ang kahulugan nito, wala naman si Kristong nakasakay sa bisiro, wala din naman tayo sa nasabing lungsod anong saysay ng mga palaspas na ating ginagamit para dito? pang taboy ng dyablo? pampaswerte?. Saking palagay ang ibig satin iparating ng pagdiriwang ito ay ang pagtanggap natin sa panginoon sating mga sarili, ang hayaan syang pumasok satin mga puso at pagharian ang ating buhay.
Sa mga sumusunod na araw naman ay ginugunita na natin ang pagpapakasakit ni Kristo, ang pag lapastangan sa kanya, ang pag talikod sa kanya ng mga taong minamahal nya at ang pagpapako't pag kamatay nya.
naun naman ang mga ito ba ay ginagawa natin para paulit ulit na patayin si Jesus? oh ang aralin kung paano naisakatuparan ang kanyang layunin?. Palagay ko ito ay ating ginugunita para matutunan natin ang pagkakasala ng tao sa diyos, ang pag kakanulo natin sa kanya, ang pag hahapas, pangunugya at pagpapahirap ng mga judio sa kanya na sa bawat kasalanang ating ginagawa at paulit paulit natin pinadarama sa kanya.
Kaya't dapat ilaan natin ang mga araw na ito upang pagsisihan ang ating mga kasalanan sa kanya at tuluyang talikdan ang mga ito upang di na natin magawa pang saktan ang damdamin ng diyos na simula pa sa simula ay syang tanging nagmamahal sa atin ng wagas. Walang kasalanan ang di magagawang patawarin ng diyos tulad na lamang ng talinghaga ng Alibughang anak, kung saan buong pagmamahal na niyakap ng ama ang kanyang nagkasalang anak.
Nagtatapos naman ito sa Easter Sunday o linggo ng pagkabuhay ang muling pag kabuhay ni Kristo matapos ang tatlong araw na pagkakahimlay, ang kaganapan ng pangakong kaligtasan ng panginoon. Dito, kung nagawa mo na syang tanggapin sa puso mo bilang diyos at tagapagligtas mo at kung napagsisihan mo na at tinalikdan ang mga kasalanan mo matatamo ang kaligtasan at ang biyaya ng pagibig ng diyos.
Nakakalungkot man isipin na kadalasan magawa man natin ito, sa pagkakatapos naman ng mahal na araw ay tila bagang nakakalimot muli tayo sating tipan sa panginoon at nagbabalik sa dating buhay na malayo sa diyos at puno nga kasalanan.
Ikaw? kamusta naman ang semana santa mo?

Subscribe to:
Posts (Atom)

.jpg)